For every 1,000,000 likes we will donate $100 to charities

Thursday, June 16, 2011

Marian Rivera & Heart Evangelista nagsabunutan sa airport?



Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films.
Bagamat pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account ang nababalitang away nila ni Marian, may nangyari raw insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam..

Pero bigla raw sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—si Marian at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian na nagpaiyak sa aktres.

Sa ngayon ay wala pang naririnig na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa isang source ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang magselos diumano si Marian nang marinig na sinabi ni Heart na kamukha naman daw ni Dingdong Dantes si Daniel Matsunaga.

Si Dingdong ang kasintahan ni Marian, at si Daniel naman ang boyfriend ni Heart.
Naayos naman daw nila ito bago pa man sila bumalik ng Manila.
Pero lumaki uli ang isyu dahil sa nangyaring insidente sa airport.
At press time ay sinusubukan pa rin ng PEP na kunan ng pahayag ang magkabilang kampo.

Pero may nakapagsabi sa amin na hindi papayagan ng GMA-7 na magpa-interview sina Marian at Heart kung tungkol sa isyung ito ang pag-uusapan.

SOURCE: http://adf.ly/1p4uX

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

infolink

Popular Posts All Time

Popular Posts Last 30 Days

Popular Posts for The Last 7 Days